BUTUAN CITY – Sinuspende ng pamahalaan probinsiyal ng Dinagat Islands ang klase ngayong araw sa lahat ng antas mula sa preschool hanggang sa elementary level sa anim na mga bayan maliban lamang sa provincial capital ng San Jose kungsaan ang mga Brgy. Don Ruben lang at Brgy. Aurelio ang walang klase.
Ito’y dahil na rin sa hagupit ng bagyong Tisoy kung saan nasa signal number 1 ang nasabing isla.
Ayon kay provincial administrator Jeff Crisostomo sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, maliban sa klase, suspendido din ang biyahe sa lahat ng mga sasakyang pandagat gaya ng mga fast crafts, Ro-Ro vessels, lantsa at pumpboat kung kaya’t stranded ngayon ang mga pasaherong patungong mainland Surigao at yaong patungo sa nasabing isla.
Patuloy din ang trabaho ng mga empleyado sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno lalo na yaong may papel para sa pagresponde sa pangangailangan ng mga ma-apektuhan sa bagyong Tisoy.
Kaugnay nito’y nanawagan ang opisyal sa kahat ng mga residente na sumunod sa ipapalabas na mga advisories at kailangang makikipag-ugnayan sa mga kaukulaang ahensya ng gobyerno para sa kanilang pangangailangan.