-- Advertisements --

(Update) CAUAYAN CITY – Suspendido pa rin ang klase ng mahigit 200 mag-aaral sa Kakiduguen Elementary School sa Kasibu, Nueva Vizcaya matapos masunog ang walong classrom noong araw ng Sabado.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Maria Teresa Iglesia ng Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Department of Education (DepEd) Nueva Vizcaya, sinabi niya na inaayos na ang temporary learning Center na pansamantalang gagamitin ng mga mag-aaral.

Aniya, nagbigay na ang pamahalaang panlalawigan ng mga mesa at 250 na upuan na magagamit ng mga bata.

Maging ang Philippine Red Cross (PRC) ay nagkaloob na rin ng tulong sa mga mag-aaral.

May mga libro na manggagaling sa division office ng DepEd na gagamitin ng mga mag-aaral at mga guro.

Inaasahan na babalik ang klase ng mga mag-aaral sa Kakiduguen Elementary School sa Martes ng susunod na linggo.