-- Advertisements --

HEADLINE: Klase sa iilang paaralan sa Banaybanay, Davao Oriental, sinuspende dahil sa giyera sa pagitan ng miltar at ng rebeldeng NPA

DAVAO CITY – Agad na sinuspende ang klase sa iilang paaralan sa Banaybanay, Davao Oriental matapos sumiklab ang giyera sa pagitan ng pwersa ng military at ng rebeldeng New People’s Army.

Agad na ipinalabas ni Mayor Lemuel Ian M. Larcia, alkalde ng Banaybanay, ang Executive Order no. 35 kung saan epektibo ito hanggang bukas, Setyembre a 15.

Nasa pitong mga paaralan ang apektado ng suspensyon na kinabibilangan ng Ireneo C. Donguila Senior Elementary School, San Roque Elementary School, Donguila-Pacres National High School, Davao Oriental State College – Banaybanay Campus, San Vicente Elementary School, Mahayag Elementary School, at Causwagan Elementary School.

Ayon kay Mayor Larcia, prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Banaybanay ang kaligtasan ng mga estudyante at guro kayat marapat lamang na magpatupad ng suspensyon sa klase.

Kung maalala, mahigpit ngayon ang pagsasagawa ng military operations ng kasundalohan laban sa natitira pang mga miyembro ng rebeldeng grupo.