Kinansela ang klase sa ilang lugar sa bansa dahil sa bagyong Leon ngayong Miyerkules, Oktubre 30.
Sa Region 2 o Cagayan valley, walang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa probinsiya ng Batanes hanggang bukas Oktubre 31. Sa Cagayan, walang pasok sa Calamaniugan at sa Santa Praxedes sa pampublikong paaralan.
Sa Cordillera Administrative Region, suspendido ang mga klase sa probinsiya ng Apayao mula Kindergarten hanggang Grade 12, sa public at private.
Sa region 4A o Calabarzon, suspendido ang klase hanggang bukas, Oktubre 31 sa Batangas partikular sa Talisay, Calaca, Lemery, Nasugbu at San Luis. Sa Laguna, walang klase sa Bay, Biñan, Cabuyao, Magdalena, Pagsanjan, San Pedro, Santa Cruz, Santa Maria, Los Baños sa public schools lang at Paete (public schools). Sa Cavite, walang klase sa Noveleta.
Sa Region 5 naman o Bicol region, kanselado ang mga klase sa probinsiya ng Albay sa lahat ng antas sa public at private. Gayundin sa Camarines Norte, Camarines Sur at Sorsogon.