CEBU – Suspendido ang klase sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa Cebu ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 28, 2022, dahil sa malakas na buhos ng ulan na dala ng Tropical Storm (TS) Paeng.
Ito ay dahil inilagay din ng state weather bureau na Pagasa ang ilang lugar sa hilagang Cebu, kabilang ang Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabogon, Bogo City, Borbon, kabilang ang mga isla ng Bantayan at Camotes sa ilalim ng Signal no. 1.
Kabilang sa listahan ng mga munisipalidad at lungsod sa Cebu na hanggang ngayon ay nagdeklara ng suspensiyon ng klase ang Talisay City, Cordova Mandaue City, Catmon, Daanbantayan, Argao, Cebu City at Lapu-Lapu City.
Naglabas din ang Pagasa-Mactan ng Yellow Rainfall warning para sa ilang lugar sa Metro Cebu pasado alas-6 ng umaga ngayong araw.
Ang Yellow Rainfall warning ay bumubuo ng 7.5 hanggang 15 litro ng ulan kada metro kuwadrado.