-- Advertisements --
Nagsuspendi ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Luzon at Visayas ngayong Lunes, Oktubre 21 dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Kristine.
Sa Luzon, kanselado ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Cavite, Camarines Norte at Camarines Sur.
Sa Visayas, walang pasok sa lahat ng antas sa public at private sa Dagohoy, Bohol at Panay, Capiz.
Nitong Lunes nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Kristine at tinatayang mas lalakas pa bilang bagyo.