-- Advertisements --
Nananatiling suspendido ngayong Martes, Oktubre 1 ang klase sa ilang lugar sa bansa sa gitna ng patuloy na pananalasa ng bagyong Julian.
Sa Region I (Ilocos region), kanselado ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa 3 probinsiya kabilang ang Ilocos Norte, La Union at Pangasinan gayundin sa chartered city ng Dagupan.
Sa Region II (Cagayan Valley), wala ding pasok sa lahat ng antas sa public at private schools sa lalawigan ng Batanes, gayundin sa Cagayan partikular na sa Aparri, Lal-lo at Tuao.
Sa Cordillera Administrative Region (CAR) naman, nagsuspendi ng klase ang lalawigan ng Apayao mula kindergarten hanggang Grade 12.