Suspendido pa rin ang mga klase sa ilang lugar sa Pilipinas ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 2 dahil sa epekto ng Super Typhoon Julian.
Sa Region 1 o Ilocos region, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Batac at Laoag, Ilocos Norte habang sa Currimao, Ilocos Norte ay nagdeklara ng kanselasyon ng klase sa lahat ng antas sa public schools. Sa Ilocos Sur naman, walang pasok din sa lahat ng antas sa public at private sa Bantay.
Sa lalawigan din ng Pangasinan, nagdeklara ng susensiyon ng klase mula Kindergarten hanggang Grade 12 sa public at private sa mga bayan ng Binmaley, Calasiao, at Lingayen gayundin sa chartered city ng Dagupan.
Sa Region 2 o Cagayan valley, walang pasok sa Uyugan, Batanes gayundin sa Calayan, Cagayan.
Sa Cordillera Administrative Region naman, walang pasok sa lahat ng antas sa public at private sa probinsiya ng Abra.