LAOAG CITY – Sinuspinde ang klase sa ilang paaralan sa Shanghai, China sa loob ng isang buwan dahil sa coronavirus.
Ito ay ayon sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na si alyas “Loi”, tubong Atimonan, Quezon pero kasalukuyang nagtatrabaho bilang Domestic Helper (DH) sa Shanghai, China.
Aniya, dahil sa bilis kumalat ng nasabing virus ay nagpalabas ng advisory ang ilang paaralan na walang pasok ang mga bata sa looB ng isang buwan.
Aniya, layunin ng nasabing hakbang ay upang masigurado na hindi mahawaan ng nasabing virus ang mga mag-aaral.
Dagdag ni Loi na kahit ang pasok sa mga opisina sa lugar ay sinuspinde rin ng isang linggo.
Samantala, inamin ni Loi na halos naninibago sila dahil walang katao-tao sa labas dahil sa takot ng mga tao na mahawaan ng coronavirus.