BUTUAN CITY – Temporaryong sinuspende ngayong araw ang klase sa Riverside Integrated Secondary School sa Brgy. Baan Riverside nitong lungsod ng Butuan matapos na umabot sa 12 mga estudyante ang na-possess kahapon dahil sa umano’y pinutol na dalawang puno ng kahoy malapit sa paaralan.
Ayon kay school caretaker Nerissa Camangyan, nagsimula umano ito nang sunod-sunod na nawalan ng malay ang iilan sa mga estudyante nito pang nakalipas na araw.
Kahapon ay nag-react na ang isa sa unang mga nawalan ng malay matapos nitong punitin ang ipinasuot sa kanyang kulay pulang t-shirt at binigtas din ang ipinasuot sa kanyang rosary beads.
Dito na sunod-sunod na sinaniban ang iba pang mga estudyante pati na mga lalaki kung kaya’t dinala ang mga ito sa kanilang kapilya habang ang iba, na may ibang paniniwala ay dinala naman sa kani-kanilang simbahan.