-- Advertisements --

Suspendido na rin ang mga klase sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa pribado at pampublikong paaralan sa probinsiya ng Quezon dahil sa bagyong Kristine.

Maliban na lamang sa ikalawang distrito kabilang ang Lucena city, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Dolores, Lucban, at Tayabas City.

Nagpaalala naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa mga local at school authorities at sa publiko na laging i-check ang impormasyon, patnubay hinggil sa bagyo para sa kaukulang mga aksiyon.

Samantala, pansamantalang sinuspendi na rin ng PCG- Southern Quezon ang biyahe sa dagat matapos itaas sa tropical cyclone wind signal No. 1 ang probinsiya.