Inanunsiyo ng Malacañang ngayong araw, na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pam-publiko at pribadong paaralan sa buong bansa kasama rito ang government offices.
Ito’y bunsod sa dalawang araw na transport strike simula bukas, October 16, 2017.
Wala pa namang announcement hinggil sa kasunod na araw ng Martes sa Oktubre 17.
” All levels, both public and Private and government work, nationwide will be suspended for tomorrow, October 16, 2017 ( not including Tuesday). The private sector will not be convered (but subject to discretion of employers),” mensahe ni Sec. Martin Andanar.
Ang Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ay nakatakdang magsagawa ng dalawang araw na transport strike bilang pagkontra sa plano ng pamahalaan kaugnay sa public utility vehicle modernization program.
Makikiisa rin sa transport strike ang grupong Kadamay, Migrante, League of Filipino Students, at Kilusang Mayo Uno.