-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY-Mananatiling suspendido ang pasok sa lahat ng antas bukas, November 19, 2019 sa Cagayan dahil sa pagtama ng Bagyong “Ramon” sa probinsiya.

Ayon kay Rogie Sending ng Cagayan Provincial Information Office , ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO) kay Cagayan Governor Manuel Mamba.

Aniya, layon nitong masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang nananalasa ang bagyo sa probinsiya.

Bukod dito, sinabi ni Sending na mananatili ang “liquor ban” hanggat hindi ito sinususpendi ng pamahalaang panlalawigan.

Samantala, sinabi ni Sending na may pasok na ang mga empleyado ng gobyerno bukas.