-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Ngayon pa lamang ay inanunsyo na ang class suspension sa lahat ng antas mula pre-school hanggang graduate school sa pampubliko at pribado sa Lunes, Nobyembre 18.

Ang deklarasyon ay batay sa rekomendasyon ng Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction and Management Office sa tanggapan ni Cagayan Governor Manuel Mamba.

Layon nitong maiiwas sa panganib ang mga estudyante sa anumang banta ng nasabing bagyo na inaasahang tatama sa kalupaan ng Cagayan bukas.

Samantala, ipapatupad ang “liquor ban” simula rin bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Kaugnay nito, mananatili ang suspensyon at liquor ban hangga’t hindi binabawi ng gobernador.