DAVAO CITY – Kinumpirma ng opisyal ng Department of Education (DepEd) XI na suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Davao De Oro. Hindi dahil sa transport strike kundi sa lindol na nangyari sa Davao De Oro kahapon.
Ayon sa tagapagsalita ng naturang tanggapan na si Jenielito “Dodong” Atillo, ang mga paaralan sa Davao De Oro ay kasalukuyang nasa Alternative Learning Modulations at hindi na magsasagawa ng face-to-face classes.
Matatandaan, ang Davao De Oro ang naging sentro ng lindol noong Pebrero 1, 2023, kung saan nakapagtala ang lalawigan ng magnitude 6 na lindol.
Samantala, sinabi rin ni Atillo na nagsagawa na ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng lalawigan kasama ang DepEd Engineers upang masuri ang sitwasyon ng mga establisyimento sa Davao De Oro. Kaya naman nagpasya ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao De Oro na suspendihin ang lahat ng klase sa lungsod at naglabas din ng kautusan ang DepEd XI na ilipat ang isa sa mga klase sa Alternative Learning Modalities.
Ayon pa kay Atillo, ipapatupad ang modular scheme sa paaralan kung sakaling hindi kayang ilipat ang klase online. Sa kabilang banda, base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot na sa mahigit 30 na ang naganap na lindol sa Davao de Oro kung saan naitala ang pinakamalakas noong 4:43 a.m. Magnitude 5.3 at ang sentro nito ay New Bataan.