DAVAO CITY – Naglabas ngayon ng suspension ng klase ang lokal ng pamahalaan ng Davao, Davao Occidental, Davao Oriental at Compostela Valley Province para ngayong araw, Marso 19, sa lahat ng lebel.
Kasunod ito sa abiso ng Pagasa na napanatili ng Bagyong Chedeng ang lakas nito na inaasahang magla-landfall sa silangan bahagi ng Davao Oriental mamayang umaga.
Kaugnay nito, inabisuhan na rin ng Davao City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng pre-emptive evacuation ang walong barangay sa Davao na kinabibilangan ng:
1.MATINA CROSSING
- Purok Guadalupe
- Quiniones Compound
- Pluto St. Gsis
- Shrine Hills Diversion Road
- Milky Way St and Virgo St. GSIS Heights
2.BRGY. MANDUG
- DDF Village Mandug
3.BRGY. BUHANGIN
- Purok Damayan
4.BRGY. MAA
- Juario Village,
- Purok 9, Shrine Hills
- Nacilla Village, Shrine Hills
- Dinaville Subdivision
- Iñigues Village
5.BRGY. 19
- Awhag Subdivision (Davao River Bank)
- BRGY. MATINA PANGI
- Diversion Road, Old Dumpsite
7.BRGY. TIGATTO
- Purok 16
8.TALOMO
- Bypass Road
Sinabi ni CDRRMO head Rodrigo Bustillo, hanggang ngayon pa ang mararansang pag-ulan sa rehiyon at inabisuhan ang mga nasa landslide prone area na mag-evacuate kaagad habang maaga pa.
Una nang sinuspinde ang paglayag ng mga sasakyang pandagat mula Davao City papuntang Island Garden City of Samal (IGACOS) mula nitong Lunes ng madaling araw.