-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Pinagpaliban ng lokal na pamahalaan ng Makilala, Cotabato ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan pribado man o pampubliko.
Ayon kay Mayor Armando Quibod na Nobyembre 22 pa posibleng magbukas ang klase sa bayan ng Makilala.
Narito ang mga paaralang walang pasok hanggang Nobyembre 22, 2019:
- Malasila Elementary School
- Malasila Natonal Vocational and Technological High School
- Braulio Dano Elementary School
- Balawan Elementary School
- Buhay Elementary School
- Buhay High School
- Luayon Elementary School
- Luayon High School
- Sto. Niño High School
- Sto. Niño Elementary School
- Makilala Institute of Science and Technology (College Dept.)
- Makilala Institute of Science and Technology (SHS Dept.)
Maraming paaralan sa Makilala ang nawasak at nagkabitak-bitak nang yanigin ito ng tatlong magkasunod na lindol.
May mga paaralan na nagkabitak lamang ngunit kailangang masiguro ng LGU-Makilala ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro.
Nagtayo rin ang Dep-Ed Cotabato at LGU ng temporary learning shelter ngunit hindi pa ito tapos.
Hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ng mga aftershock ang bayan ng Makilala.