-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nagtalaga ng isang channel ang gobyerno ng Serbia para mag-broadcast ng mga aralin sa mga estudyante upang hindi na kailangang pumunta mismo sa paaralan.

Sa panayam kay Star FM Bacolod international correspondent Bianca Rodi, iniiwasan ng Serbian government na magprotesta ang mga magulang ng mga bata kung oobligahin ang pagbabalik nila sa paaralan.

Ito’y matapos na kanselahin ang state of emergency sa nasabing bansa sa pagpasok ng buwan ng Mayo nitong taon.

Datapwa’t nakatulong ito sa hindi paglabas ng mga bata, balik-paaralan pa rin ang mga estudyante at pinayagan din ang pagbukas ng lahat ng establisyimento basta’t sumusunond lamang sa precautionary measures.

Ani Rodi, kahit balik-eskwela na ang mga estudyante ay hindi niya pa rin pinayagan ang kanyang anak na nag-aaral sa Day Care Center dahil sa takot na baka mahawahan ito ng Coronavirus Disease 2019 kaya sa national television na lamang matututo ng mga aralin ang kanyang anak.