-- Advertisements --
Student quake unconscious

CENTRAL MINDANAO – Agad sinuspinde ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang klase sa lahat ng antas dulot nang pagyanig ng lupa dakong alas-9:03 ng umaga kanina.

Nakaranas ng intensity 5 ang lungsod ng Kidapawan na nagdulot ng takot sa mga residente.

Sinasabing tectonic in origin ang pagyanig kung saan ang epicenter ay natukoy sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Maliban sa Kidapawan City ay suspendido na rin ang klase sa bayan ng Makilala dahil sa pangamba na posibleng malalakas na aftershocks.

Kumalat tuloy sa social media ang ilang mga residente na nagbalik tanaw sa naranasang pag-uga ng lupa kagaya ng “nakalimot na sana ako nagparamdam ka uli,” “naka-move on na sana ako bumalik ka pa,” “miss mo ba ako Lodnil kaya humabol ka pa sa heart month” at “siguro wala kang forever kaya nagparamdam ka uli sorry may iba na ako.”

Sa dami ng mga pabirong post sa social media ay nanatiling alerto ang mga kawani ng Disaster Risk Reduction and Management Council sa posibleng pagtama pa ng malalakas na aftershocks.

Unconscious student quake

Samantala, hinimatay naman dahil sa sobrang takot matapos ang lindol ang ilang mga mag-aaral ng Manobisa Elementary School sa Barangay Manobisa, Magpet.

Sa ngayon ay ligtas na ang mga bata sa tulong na rin ng mga guro.