-- Advertisements --
klay thompson 1
Warriors star Klay Thompson (photo from @warriors)

Pinangangambahan ng ilang mga eksperto na baka abutin pa ng dalawang taon bago muling makabalik sa NBA games ang Golden State Warriors superstar na si Klay Thompson.

Ayon sa ilang doctor masyadong maselan ang ACL injury ni Thompson na kanyang natamo sa huling championship season kontra sa Toronto Raptors.

Isa na rito ang nagsabi na si Dr. Tim Hewett, isa mga consultant ng sikat na Mayo Clinic.

Bagamat hindi doktor ni Hewett si Thompson, kinikilala naman ito bilang eksperto na nag-aral ng husto sa biomechanics of the knee sa mahabang panahon.

Nag-publish din ito nang pag-aaral na ang mga athletes na merong punit sa kanilang ACL ay hindi pa dapat bumalik sa paglalaro sa loob ng dalawang tao.

Una nang sinabi ng ama ni Klay na pwedeng na itong maglaro sa huling bahagi ng susunod na season.

Ngayong 2019 sa buwan na ng Oktubre magbubukas ang new NBA season.