-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Golden State Warriors star Klay Thompson na magbabalik na ito sa paglalaro matapos ang mahigit 2 taon dahil sa injury.

Nakuha nito ang kaniyang ACL sa kaliwang tuhod noong Game 6 ng 2019 NBA Finals laban sa Toronto Raptors noong Hunyo 13, 2019.

Matapos na mabigyan ng kaniyang doctor ng clearance para maglaro ay makakasama na niya ang koponan sa pagharap nila laban sa Cleveland Cavaliers.

Masayang inanunsiyo rin ng Warriors ang muling pagbabalik na ni Thompson.

Mayroon ng 29 panalo at siyam na talo ang Warriors.