-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record sa kasaysayan ng NBA si Dallas Mavericks player Klay Thompson.

Siya kasi ang pang-anim na manlalaro na umabot sa 2,500 career three-pointers.

Naganap ang nasabing record sa hosting nila ng Houston Rockets kung saan natalo sila 108-102.

Ang tanging limang manlalaro na lamang sa kaniya ay sina Reggie Miller, Damian Lillard, James Harden, Ray Allen at Stephen Curry.

Naging manlalaro si Thompson ng Golden State Warriors sa loob ng kaniyang 13 taon bago ito lumipat ng Mavs nitong off season.

Mayroon itong average points na 16.5 points, 3.5 rebounds, 1.2 assists at 1.2 steals at mayroong 45.1 percent na fiedl shooting at 42.5 percent sa three-point range shooting.