OAKLAND, Californis – Umeksena ng husto si Klay Thompson sa kanyang 41 points para ilampaso ng Golden State Warriors ang Minnesota Timberwolves, 121-107.
Ito na ang ika-12 winning streak ng team.
Para kay Thompson, ito naman ang ika-10 niyang 40-point game sa kanyang career.
Samantala tumulong sa koponan si Stephen Curry sa pamamagitan ng 19 points at nine assists.
Habang si Matt Barnes ay nagtapos sa 12 points, six rebounds at four assists.
Naging impresibo rin ang performance ni Andre Iguodala mula sa bench na may 11 points sa pamamagitan ng 4-for-4 sa shooting.
Inaasahang lalo pang lalakas ang Golden State (64-14) bilang numero uno sa Western Conference sa pagbabalik sa sunod na linggo ni Kevin Durant.
Sa kampo ng Wolves (31-46) nanguna si Andrew Wiggins na may 24 points.