-- Advertisements --
Maraming fans pa rin ni Klay Thompson ang hindi nabigo matapos ang unang paglalaro niya sa kaniyang bagong koponan na Dallas Mavericks.
Mula kasi ng iwan niya ang Golden State Warriors noong nakaraang season ay inakala ng maraming fans nito na magbabago na ang laro niya sa Mavs.
Sa panalo ng Mavs kontra San Antonio Spurs 120-109 ay nagtala ng 22 points, pitong rebounds at tatlong steals ang 34-anyos na si Thompson.
Sa nasabing laro ay nakapagtala rin siya ng anim na 3-points shots kung saan isang record na maituturing sa Dallas para sa unang araw ng paglalaro ng isang bagong manlalaro.
Maging ang Mavs star na si Luka Doncic ay humanga sa nasabing sipag ni Thompson.