-- Advertisements --

Kinumpleto ng Cleveland Cavaliers ang comeback laban sa New York Knicks at nagawa pang tambakan ang kalaban ng 19 big points sa pagtatapos ng laban, 124 – 105.

Sa kalagitnaan ng laban ay nagawa ng Knicks na tambakan ng 15 points ang Cavs ngunit pagpasok ng 3rd quarter ay gumawa ang Cleveland ng 28-12 run.

Sa pagtatapos ng 3rd quarter ay tangan na ng Cavs ang 6 points habang lalo lamang itong nadagdagan sa pagpasok ng 4th quarter at pinaabot sa 19 points sa pagtatapos ng regulation.

Sinamantala ng Cavs ang hindi paglalaro ni Jalen Brunson na siyang pangunahing scorer ng Knicks, at ipinoste ang 53.2% na overall shooting percentage.

Muli ring dinumina ng Cavs ang paint area at gumawa ang koponan ng 64 sa ilalim nito.

Ito na ang ika-61 panalo ng Cavs ngayong season at nagawa ng koponan na tumbasan ang kanilang 2nd most wins sa isang season. Ang pinakamaraming panalo na kanilang naitala sa loob ng isang season ay 66 na nangyari noong 2008 – 2009 season kung kailan naglalaro pa dito si Lebron James.

Nananatili naman ang koponan bilang top team sa eastern conference habang pasok na rin ang Knicks sa postseason, hawak ang record na 48 wins at 28 loss.