-- Advertisements --

Nagbuhos ng 31 points kabilang na ang walong straight points sa fourth quarter si Julius Randle upang idispatsa ng New York Knicks ang Philadelphia, 103-96.

Sinamantala ng Knicks (7-4) ang kakulangan ng players ng Philadelphia (8-3) kasama na ang four-time All-Star Joel Embiid na nagpositibo sa COVID-19 at maging sina Tobias Harris, Matisse Thybulle at Isaiah Joe.

Nagdagdag din naman para sa Knciks si RJ Barrett ng 15 points para sa ikalawang panalo sa huling limang laro.

Habang natuldukan din ang six winning streak ng Sixers.

Si Andre Drummund muna ang pumalit sa center kay Embiid na nagpakita ng 14 points at 25 rebounds.