-- Advertisements --

Pumayag si Knicks guard Jalen Brunson na tanggapin ang $156.5 million contract para sa kanyang apat na taong extension New York.

Ang halaga ng kanyang kontrata ay mas mababa ng humigit-kumulang $113 million kaysa sa dapat sana niyang matanggap sa susunod na season, bilang isa sa mga magagaling na guard sa NBA.

Bagaman ang kontrata ni Brunson ay mas mababa kaysa sa kanyang deserve na sahod, mag-iiwan naman ito ng mas malaking espasyo o financial stability sa Knicks upang makakuha ng iba pang magagaling na NBA players at bumuo ng isang championship-caliber na team.

Dahil sa ginawa ni Brunson ay bumuhos ngayon ang papuri sa kanya mula sa mundo ng NBA.

Komento ng maraming mga NBA analyst, iilan lamang sa NBA ang tumatanggap ng pay cut, lalo na ang kasinlaki ng $100 million na bawas-sahod.

Nitong nakalipas na season, pinangunahan ni Brunson ang Knicks at pumasok sa Playoff sa kabila ng hindi paglalaro ng kasamang star player na si Julius Randle.

Nagawa ng Knicks na talunin ang Philadelphia 76ers sa unang elimination round ngunit tuluyan ding tinalo ng Indiana Pacers sa ikalawang elimination.