Ipinalasap ng Washington Wizards ang unang pagkatalo sa New York Knicks ngayong preseason.
Sa paghaharap ng dalawang team, nagawa ng Wizards na maipanalo ang laban sa pamamagitan ng 1-pt. win sa crunch time, 118-117.
Nagpakitang-gilas ang NBA champion na si Jordan Poole at nagpasok ng 16 points sa loob ng 18 mins. habang 12 points naman ang ambag ng forward na si Kyle Kuzma.
Muli namang nagpakita ng magandang chemistry sina Jalen Brunson at Karl-Anthony Towns: 27 points 5 assists ang ginawa ni Brunson habang 22 points 12 rebounds ang nagawa ni Towns.
Gayunpaman, hindi pa rin ito sapat para maibulsa ang panalo dahil na rin sa episyentang shooting ng Wizards – 52.3% overall.
Nagawa rin ng Wizards ang naturang panalo sa likod ng kabuuang 31 free throws na naipasok ng Knicks. Nagawaran kasi ang New York ng kabuuang 38 free throws at 31 dito ang kanilang naipasok, habang tanging 11 free throws lamang ang nagawa ng Wizards.
Ang Wizards ay isa sa mga nangungulelat na team sa NBA sa mga nakalipas na season. Gayunpaman, ito na ang ikalawa nitong panalo ngayong preseason.
Hawak naman ng Knicks ang apat na panalo.