Pinatawan ng NBA ng multang $50,000 o mahigit P2-milyon ang New York Knicks dahil sa hindi nito pag-imbita sa New York Daily News na dumalo sa isang news conference ng koponan.
Nagdaos kasi ng press conference ang Knicks noong nakaraang linggo para ipakilala ang kanilang mga bagong draft picks kung saan nagpadala sila ng advisory sa mga media bukod sa Daily News.
Ayon sa NBA, pumayag na raw ang franchise na sumunod sa panuntunan ng liga tungkol sa access ng media sa mga susunod na pagkakataon.
“The Knicks acknowledge that we did not comply with the NBA’s media policy, and made an error in interpreting Friday’s announcement as an invite-only event,” saad ng team sa isang statement. “As we do throughout the year, we have and will continue to provide access to credentialed media as per the league’s policy.”
Ilang taon nang may alitan ang Kincks at ang tabloid dahil sa umano’y negative coverage nito.