Pinataob ng New York Knicks ang Charlotte Hornets sa kabila ng limitadong bilang ng mga Knicks players.
Tinapos ng Knicks ang laban sa score na 111 -105 gamit ang 43.3 shooting percentage.
Siyam na player lamang ng Knicks ang available sa naturang laban at hindi nakapaglaro ang mga star player nito na sina Karl-Anthony Towns at Jalen Brunson.
Pinangunahan ni Precious Achiuwa ang naturang koponan sa pamamagitan ng kaniyang bigtime double-double performance: 20 pts, 16 rebounds.
18 points naman ang naging kontribusyon ng guard na si Miles McBride.
Sa kabilang banda, binuhat ni Brandon Miller ang Hornets gamit ang kaniyang 26 points at limang rebound sa loob ng 29 mins na paglalaro.
Naging malaking bentahe ng Knicks ang magandang depensa ng koponan at kumamada ng kabuuang 59 rebounds, 42 dito ay pawang mga defensive rebound.
Nagawa ng Knicks ang panalo sa kabila ng 18 3-pointers na ipinasok ng Hornets, gamit ang 36.7 3-point percentage.