MANILA – Matagumpay na nasungkit ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang World Boxing Council (WBC) bantamweight title matapos patumbahin ang French boxer na si Nordine Oubaali.
History made ✅ @filipinoflash is champion again! #OubaaliDonaire pic.twitter.com/Kjwgq9WqGp
— SHOWTIME Boxing (@ShowtimeBoxing) May 30, 2021
Nanalo sa pamamagitan ng “knockout” ang Pinoy boxer sa California.
Hindi na nagawang depensahan ni Oubaali ang kanyang titulo nang pasadahan siya ng left blow sa ikaapat na round ni Donaire.
Bago nito, binigyan din ng Pinoy boxing champ ng left hook ang kalabang French boxer sa ikatlong round.
Si Donaire ang pinakamatandang boksingero na nakasungit ng bantamweight world title sa edad na 38-anyos.
"The king has returned." – @filipinoflash ⚡
— SHOWTIME Boxing (@ShowtimeBoxing) May 30, 2021
The 3x Bantamweight World Champ checked in with @JimGrayOfficial after his KO win over Oubaali. #OubaaliDonaire pic.twitter.com/bFguVeDRTH
Dahil dito, may pagkakataon na muli si Donaire na makipa-rematch sa World Boxing Association at International Boxing Federation bantamweight title holder na si Naoya Inoue ng Japan.
Kung maaalala, natalo ni Inoue si Donaire noong 2019 sa pamamagitan ng unanimous decision.