-- Advertisements --

Tiyak na mababawasan ng puwersa ang Phoenix sa napakahalaga nitong do-or-die match kontra sa Barangay Ginebra bukas para sa last quarterfinal slot sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Hindi kasi makakalaro ang kanilang veteran big man na si Vic Manuel dahil sa natamo nitong groin injury.

Itinakda ang banggaan ng dalawang team dakong alas-4:35 ng hapon ngayong Sabado sa Don Honorio Ventura State University gym sa Pampanga.

Umalis na rin sa bubble hotel ang 6-foot-4 forward para magpagamot na inaasahang posibleng abutin hanggang tatlong linggo.

Para naman sa Ginebra malaking bagay ito para hindi tuluyang mabulilyaso ang kanilang kampanya para mahabol pang maidepensa ang korona.

Ang Phoenix, Ginebra at Terrafirma ay tabla sa sa 4-7 records pero ang Dyip ay mas mababa kung pagbasehan ang quotient system kaya tuluyan itong nalaglag.