-- Advertisements --

Buo na ang knockout round para sa NBA Cup ngayong taon, kasunod ng huling laban ngayong araw, Dec. 4.

Uusad sa unang round ng elimination sa Eastern Conference ang Milwaukee Bucks kontra Orlando Magic para sa unang set, at New York Knicks kontra Atlanta Hawks sa ikalawang set.

Sa Western Conference, maglalaban ang Oklahoma City Thunder at Dallas Mavericks sa unang set habang Houston Rockets kontra Golden State Warriors naman sa ikalawang set.

Ang mga naturang team ang umusad matapos ang apat na magkakasunod na laban sa group stage.

Batay sa schedule na inilabas ng NBA, ang knockout game ay nakatakda na sa December 10 at 11(US time), habang ang semifinals ay gaganapin sa Dec. 14.

Itinakda naman ang championship match sa Dec. 17, 2024.

Ang bawat player ng team na magkakampeon sa NBA Cup Finals ay makakatanggap ng tig – $514,970, habang ang bawat player ng matatalong team naman ay makakatanggap ng tig – $205,988.

Gaganapin ang finals sa Las Vegas.

Ito na ang ikalawang edisyon(taon) ng NBA Cup. Sa nakalipas na taon, ang Los Angeles Lakers ang nag-uwi sa pinakaunang kampeonato.