Nagtapos sa ikalawang puwesto si Filipino-American sprinter Kristina Knott sa 100-meter event sa Cylde Littlefield Texas Relays sa Austin.
Mayroong record ito na 11.54 seconds habang si Kiara Parker na nakuha ang kampeonato ay mayroong 11.20 seconds at ang third runner up ay nagtala ng 12.52 seconds sa kumpetisyon na ginanap sa Mike A. Myers Stadium.
Lalahok ito sa limang torneo bilang qualifiers sa Tokyo Olympics.
Sa naging oras nito ngayon ay hindi niya nahigitan ang nagawa nito noong August 2020 sa Iowa na mayroong 11.27 seconds na nabasag nito ang national record ni Lydia de Vega.
Ang qualifying standard ng Olympic sa 100 meters ay 11.15 seconds.
Umaasa si Knott na makapag-qualify ng 200 meters na mayroong 22.80seconds.
Hawak kasi nito ang record sa bansa na 23.01 seconds noong 2019 Southeast Asian Games.