Tumaas ang demand ng mga Kobe Bryant memorabilia sa iba’t-ibang online selling website sa buong mundo.
Ilang oras lamang ng lumabas ang balitang pagkasawi ng Los Angeles Lakers star ay agad na tumaas ang presyo ng mga iba’t-ibang memorabilia nito.
Ilan sa mga dito ay ang mga jersey, basketball, sapatos at iba pang mga bagay na pirmado mismo ng 41-anyos na NBA legend.
Ayon pa sa sikat na online auction sa US na aabot sa $3 million ang presyo ng bola na pirmado ni Bryant na ginamit ng makuha ng Lakers ang kampeonato noong 2002.
Maging ang sapatos na suot ng Black Mamba ay aabot na rin sa ilang milyong dolyar ang presyo nito.
Magugunitang noong pumanaw ang tinaguriang king of pop Michael Jackson ay naibenta ang kaniyang puting glove sa halagang $420,000 habang ang damit ni Marilyn Monroe na suot nito ng haranahin siya ni President John F. Kennedy noong 1962 ay naibenta ng $4.2-M noong 2016.