-- Advertisements --
Kobe Bryant
Kobe Bryant/ IG post

Pinasok na ni dating NBA star Kobe Bryant ang paglalatha ng libro.

Sa kaniyang social media account inanunsiyo nito ang bagong young adult novels na may titulong “Epoca: The Tree of Ecof”.

Isa lamang ito sa dalawang nakatakdang ilabas ng kanilang multimedia company na Granity Studios.

Ang una ay nakatuon sa batang babaeng tennis prodigy na kailangang mailigtas ang magical kingdom.

Tumatalakay naman ang pangalawang libro sa dalawang bata.