Tatanggap umano ang namayapang basketball icon na si Kobe Bryant ng posthumous Emmy Award sa susunod na buwan.
Sa anunsyo ng event organizer na Television Academy, igagawad kay Bryant ang Governors Award sa 72nd Los Angeles Area Emmy Awards sa Hulyo 18 (Hulyo 19, oras sa Pilipinas).
Napili daw ang Los Angeles Lakers legend dahil sa kanyang pagkakawanggawa at sa inspirasyong idinulot nito sa loob at labas ng basketball court.
“[He] championed a number of worthy causes and critical issues, becoming an ambassador for women’s basketball, a mentor and youth advocate, and raised awareness of homelessness in Los Angeles,” saad sa pahayag.
Iginugol lamang ni Bryant sa Lakers ang kanyang 20 season sa NBA, kung saan nagbulsa ito ng limang kampeonato at 18 18 All-Star selections.
Sa labas ng court, nagwagi si Bryant ng Academy Award noong 2018 para sa animated short film na “Dear Basketball.”