-- Advertisements --

Ibinunyag ni Kobe Paras na dumanas ito ng depression at inisip pa niyang magpakamatay matapos ang pagbabalik nito sa bansa noong nakaraang apat na taon na ang nakalipas.
.
Sinabi nito na mula ng umuwi ito sa Pilipinas ay labis ang depresyon na kaniyang naranasan kung saan iniisip na nitong magpakamatay.

https://twitter.com/_kokoparas/status/1387744325732347908

Hanggang ngayon aniya ay may mga araw na nawawala pa rin ito sa sarili.

Pinayuhan din nito ang mga fans na huwag balewalain ito iwasan ang labis na pag-iisip.

Nagpayo pa ito na humanap ng ibang pagkakaabalahan.

Si Paras ay anak ng dating PBA player na si Benjie at artista na si Jackie Forster.

Bago umuwi sa bansa ay nakapaglaro na rin ito sa ibang mga college basketball league sa US.

Taong 2018 ng naging bahagi siya sa basketball team ng University of the Philippines.

Pinakahuling sinalihan nito ay ang East West Private isang US-based agency na humahawak ng mga Filipino talents gaya nina Kai Sotto at Cholo Anonuevo.