Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagkakakita kay Kobe Paras sa Bali, Indonesia na may kasamang non-showbiz girl, sa gitna ng mga balitang hiwalay na sila ng actress na si Kyline Alcantara.
Isang netizen ang nag-upload ng litrato noong Abril 23, kung saan makikitang may ka-holding hands na babae ang lalaking sinasabing si Kobe. Hindi man kita ang mukha ng lalaki, maraming netizens ang kumbinsido na siya nga ito dahil sa mga tattoo at pisikal na pagkakatulad.
Ayon sa ulat, first week of April pa umano naghiwalay sina Kobe at Kyline dahil sa sunod-sunod na hindi pagkakaunawaan, ngunit walang pormal na kumpirmasyon mula sa dalawa dahil umano sa kanilang mga endorsements.
Naging mas kapansin-pansin pa ang isyu nang parehong i-unfollow nina Kobe at Kyline ang isa’t isa sa Instagram at magbura ng mga dating larawan nilang magkasama. Ang mga natirang posts ay pawang may kaugnayan na lamang sa kanilang mga endorsements at events.
Samantala, ang ina ni Kobe na si Jackie Forster ay nag-post ng mga makahulugang quotes tungkol sa “emotional manipulation” at “accountability” na pinaniniwalaang may koneksyon sa sitwasyon nina Kobe at Kyline.
Habang patuloy ang haka-haka, wala pa ring opisyal na pahayag mula sa parehong kampo nina Kobe Paras at Kyline Alcantara tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.