-- Advertisements --

Ipinaabot ngayon ni Kobe Paras ang kanyang todong pasalamat sa UP community at mga fans kung saan naging malaking bahagi sa kanyang collegiate career lalo na sa UAAP.

Sa kanyang social media post, bahagyang naikwento ni Kobe ang kanyang pagtungo sa UP ay dahil sa kanyang ama na si Benjie Paras na itinuturing na “living legend” at naging bahagi rin ng eskwelahan.

kobe paras

Sinasabing muling babalik sa Amerika sa ikalawang pagkakataon si Kobe upang muling hanapin ang mga oportunidad para sa kanya.

Inabot din ng mahigit isang taon si Kobe, 23, sa UP Fighting Maroons kung saan nag-average siya ng 16.1 points para mapabilang kaagad sa Mythical Team.

Nito lamang nakalipas na araw inanunsiyo ng Ohio-based group East West Private (EWP) na siya ring may hawak sa Pinoy 7-footer na si Kai Sotto ang pagkuha nila sa nakababatang Paras.