Binigyang-diin ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na kailangang sumunod si President Rodrigo Duterte sa freeze order na unang inilabas ng korte para sa mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC)
Ayon kay Vazquez, sinuman ang tumatayong administrator sa mga properties ng KOJC ay kailangang sumunod sa naturang kautusan.
Si Duterte ang dating hinirang bilang administrator ng mga properties na nasa ilalim ng KOJC, kasunod na rin ng tuluyang pagtatago noon ng founder ng sekta na si Apollo Quiboloy.
Giit ni Vasquez, hindi importante kahit na dating presidente pa ang tumatayong administrator ng isang pasilidad o ari-arian, kailangang sundin nito aniya kung anuman ang iniuutos ng korte.
Nitong nakalipas na buwan ay inilabas ng Court of Appeals (CA) ang freeze order laban sa sampung bank account, pitong real properties, limang motor vehicle, at isang aircraft na nasa pangalan ni Quiboloy.
Kabilang din dito ang 47 bank account, 16 real properties, at 16 motor vehicle na nasa ilalim ng pangalan ng KOJC at 17 bank account, limang real properties, at 26 motor vehicle na nasa ilalim ng Swara Sug Media Corporation, ang nag-ooperate sa media arm nito na Sonshine Media Network International (SMNI).