-- Advertisements --

Usap-usapan ngayong online ang umano’y larawan ni KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy na kasama di dating pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ay matapos na ipost ng dalawang vlogger ang larawan ng ni Quiboloy at Duterte na kasama sina dating Press Sec. Atty. Trixie Cruz-Angeles, dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy

Sa naging caption post ng isang vlogger, sinabi nito na hindi niya inaasahan na maririnig niya ang dapat niyang marinig.

Napabilib umano siya sa Pastor Apollo Quiboloy.

Dagdag pa nito na ngayon aniya ay alam na niya kung bakit target si Quiboloy ng mga Onaks at naipaliwanag ng husto sa kanya ng Pastor ang mga bagay bagay tungkol sa kanyang Ministry.

Aminado umano ito na marami pa siyang hindi alam .

Nagpasalamat rin ito sa mga words of Wisdom Pastor at PRRD at ipinaabot ang kanyang buong respeto sa dalawa.

Kung maaalala, sinabi ng legal counsel ng pastor na walang katotohanan ang balitang nagtatago ito at sa halip ito ay nag-iingat lamang sa umano’y mga banta sa kanyang buhay.

Samantala, narito naman ang maigsing pahayag ni Pastor Quiboloy tungkol sa mga baril na pag-aari nito