Kampante si Kingdom of Jesus Christ legal counsel Atty Israelito Torreon na mangyayari pa rin ang kahilingan laban sa extradition ni Apollo Quiboloy ngayon at tuluyan na siyang lumutang.
Maalalang nagbigay ng ilang kahilingan/kondisyon ang kampo ni Quiboloy ilang araw na ang nakakalipas kapalit ng kanyang pagsuko.
Isa sa pinakamahalagang kahilingan ng kampo ay ang hindi magkaroon ng extraordinary rendition ng extradition para kay Quiboloy ibig sabihin, hindi magiging government – government ang pag-uusap para sa extradition ng pastor. Sa ganitong paraan ay maaari aniyang harapin ng legal team ng pastor ang extradition process.
Maalala ding lumabas si Quiboloy nang walang opisyal o pormal na tugon ni PBBM sa naging request ng kampo.
Pero ayon kay Atty Torreon, bago pa man ang paglutang ng pastor ay mayroong isang indibidwal na may mataas na katungkulan sa gobierno na pumirma umano sa request ni Quiboloy.
Ito aniya ay ‘binding’ din o nagbubuklod kay BBM.
Gayunpaman, pinili ni Torreon na hindi na ito pangalanan o idetalye man lang ang posisyon o relasyon niya sa pangulo.