Makikiisa na rin ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pinangungunahan ni Pastor Apollo Quiboloy sa January 13 peace rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Manila.
Sa isang pahayag mula sa KOJC, sinabi nilang kinikilala ni Quiboloy ang hakbang ng INC para ipunin ang milyong katao, kasama na ang iba pang mga grupo.
Hangad umano nila ang kaliwanagan sa isipan ng mga mamamayan para sa kapayapaan at kaayusan.
Nais din ng KOJC na pangunahan ng makatwirang pinuno ang bansa, lalo na sa panahon ng karimlan.
Samantala, sa anunsyo naman ng Presidential Communications Office (PCO), suspendido na ang pasok sa government offices at lahat ng antas ng private at public schools sa mga lungsod ng Maynila at Pasay sa Enero 13, 2025 (Lunes), alinsunod sa Memorandum Circular No. 76.
Ito ay upang bigyang-daan umano ang maayos na pagdaraos ng “National Rally for Peace” na inaasahang dadaluhan ng maraming tao.