-- Advertisements --

Buo na ang loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na hindi sumali sa mga rally ng grupong Maisug.

Ayon kay Marlon Acobo, Executive Minister ng KOJC, mas pagtutuunan na lamang ng pansin ng KOJC ang pangangaral sa Salita ng Diyos o evangelization.

Humingi naman ang KOJC official ng paumanhin sa mga miyembro ng Maisug kung bakit hindi na muna sasali ang mga ito sa mga susunod na rally.

Giit ni Acobo, mistulang napabayaan ng KOJC ang evangelization dahil sa naging abala ang mga ito sa pagtatanggol sa kanilang pastor na si Apollo Quiboloy, kasabay na rin ng mahaba-habang operasyon ng PNP sa compound ng naturang sekta.

Huling nagsagawa ng rally dito sa Metro Manila ang Maisug nitong Setyembre 21, 2024 kung saan muli nilang iginiit ang suporta kay Vice Pres. Sara Duterte at sa pamilya Duterte.