-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Migrant Workers na i-aanunsyo nito ang pagbubukas ng mas maraming oportonidad para sa mga Pilipinong manggagawa na nais magtrabaho abroad. 

Mayroon umano kasing kolaborasyon ang kagawaran at bansang Croatia na maghahatid ng higit 3,000 trabaho para sa mga Pilipino sa naturang bansa. 

Kung saan prayoridad ang paghahanap ng mga hotel workers kabilang ang hospitality staff, housekeeprs, at bartenders. 

Ayon kay Undersecretary Patricia Yvonne Caunan, Undersecretary for Policy and International Cooperation ng Department of Migrant Workers, ito ay bahagi ng ugnayang government-to-government program ng Pilipinas sa bansang Croatia. 

Aniya, dahil ito ay kolaborasyon sa pagitan ng dalawang bansa, wala ng placement fee na kailangan pang bayaran ng isang indibidwal para lamang siya’y matanggap sa trabaho. 

Dagdag pa niya, nag-abiso ang bansang nag-aalok trabaho ng agarang pagtugon hinggil rito dahil sa kinakailangan ng mapunan ang posisyong hanap sa susunod na buwan ng Abril hanggang Mayo. 

Dahil dito, positibong sinabi ni Undersecretary Patrcia Yvonne Caunan na ang programang ito ay makapagbibigay pagkakataon rin sa mga nagbalik-bansa ng Overseas Filipino Workers na nais magtrabahong muli abroad. 

Tiniyak din niya na makakaasa ang publiko na sila’y magbibigay ng guidelines para sa magiging hiring process ng mga Pilipinong tutugon sa alok na oportunidad. 

‘Maasahan niyo po na magkakaroon ng anunsyo sa department tungkol sa magiging hiring process… at ah ang ating mga kababayan na mga umuwi sa Lebanon, mga umuwi na galing Israel, ito na po ang oportunidad na magkaroon sila ng trabaho abroad at dito sa ka-partner natin sa Europa,’ ani Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne Caunan ng Department of Migrant Workers.