Arestado ang alkalde ng Kolambogan, Lanao del Norte na si Mayor Lorenzo Manigos sa isang checkpoint sa may Seaport Area, Barangay Baybay Triunfo, Ozamiz City.
Arestado din ang apat pang kasamahan ng alkalde na sina Ricky Bantillan, Mario Dayaman, Nestor Gabrinez at Noel Agapia.
Nakumpiska sa kanilang posisyon ang dalawang 9mm pistol, dalawang caliber .45 pistol at tatlong hand grenades.
Ayon kay Ozamiz City chief of police, PCInsp. Jovie Espinido na naaresto ng kaniyang mga tauhan ang alkalde sa checkpoint.
Sasampahan ng kasong illegal possession of firearms at explosives si Mayor Lorenzo at ang apat na kasamahan nito.
Kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng Ozamiz police station ang alkalde.
Sinabi ni Espinido na sa Martes pa nila isasampa ang kaso dahil Linggo ngayon at bukas ay holiday.
Inihayag din ni Espinido na kanila ting titignan ang involvement ni Mayor Lorenzo sa illegal drug trade at ang kuneksiyon nito sa mga Parojinog.
Ibinunyag din ni Espinido na may natanggap silang impormasyon na may kuneksiyon si Mayor Manigos sa mga Parojinog.