-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inilunsad ng pulisya ang malawakang operasyon laban sa suspek na umano’y sumaksak-patay sa dalaga na nag-iisang natutulog sa kuwarto ng kanilang Bahay sa Dinogon,Brgy Sta Ana,Tagoloan,Misamis Oriental.

Pinangunahan ni Tagoloan Police Station commander Major Renz Marion Serrano ang paghahanap upang mahuli ang hindi pa tukoy na salarin sa kremin.

Batay sa paunang imbestigasyon, dumaan umano sa bintana ang suspek para makapasok sa kuwarto at tinangkang gahasain ang tulog na biktima subalit nanlaban dahilan sinaksak ito na nag-resulta ng kanyang pagkasawi.

Dagdag ng imbestigasyon na mismo na ang isang menor de edad ang nakakita sa nakahandusay na biktima kung saan naliligo ng sariling dugo.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Tagoloan Mayor Atty Nadya Emano-Elipe sa pulisya na madaliin ang imbestigasyon para mabigyang hustisya ang sinapit ng biktima.

Natuklasan na nasa pangalawang taon na ito ng kursong Bachelor of Science in Business Administration ng Tagoloan Community College.

Nadiskobre rin na aktibo rin ito ng kanilang simbahan bago pinatay ng hindi pa matukoy na responsable.