-- Advertisements --
Titiketan na sa unang araw ng Pebrero ang mga pampasaherong jeep o mga sasakyan na hindi pa nakapag-consolidate sa ilalim ng PUV modernization program ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Paliwanag ni MMDA Acting Chairman Romando Artes, titiketan nila ang mga pumapasadang hindi nakatalima sa consolidation at maaari ring i-impound ang mga sasakyan.
Dagdag pa ng opisyal na magsasagawa din sila ng random checkpoints para suriin ang mga dokumento ng mga drivers.
Ayon kay Artes, ‘random’ lang ang gagawing pag-check sa mga dokumento ng mga drivers upang hindi naman ito magdulot ng abala sa mga commuters at iba pang motorista.