-- Advertisements --

Naghain ng kaniyang kandidatura para maging senador ang komediyante at tv host na si Willie Revillame.

Nitong huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy ay inihabol niya ang kaniyang aplikasyon.

Ito ang unang pagkakataon sa pagpasok sa pulitika ng komediyante.

Taong 2021 kasi ay hindi niya tinanggap ang alok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo ito sa ticket niya bilang senador.

Ilan sa mga plataporma na inilatag ng komediyante ay ang pagdagdag ng diskwuento sa mga senior citizen at ang pagbibigay ng sapat na pagkain sa mga mahihirap.